Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Robinsons Retail, e-exit na sa PSE

MANILA — Plano ng Robinsons Retail Holdings Inc. (RRHI) na umalis sa Philippine Stock Exchange (PSE) matapos aprubahan ng kanilang board ang delisting at tender offer para bilhin ang shares ng publiko.

Ayon sa RRHI, sinuportahan ng kanilang board ng kumpanya ang hakbang para gawing pribado ang RRHI. Kabilang dito ang pagbili ng natitirang shares na hawak ng public investors.

Tinatayang aabot sa P18.4 bilyon ang halaga ng tender offer na ilalabas ng Gokongwei group para makuha ang public shares.

Sa ilalim ng plano, mag-aalok ang majority shareholders na bilhin ang shares ng publiko sa isang itinakdang presyo. Kapag nabili ang sapat na shares at bumaba ang public ownership ng less than 10 percent, puwede nang ituloy ang delisting sa PSE.

Ito ang minimum public float requirement ng stock exchange para manatiling listed ang isang kumpanya.

Kapag natuloy ang plano, magiging pribadong kumpanya na ang RRHI.

Ayon sa kumpanya, ang hakbang ay para magkaroon ng mas maluwag na pamamahala ang grupo, lalo na sa paggawa ng desisyon at pagpapatupad ng mga plano nang hindi sakop ng requirements ng pagiging publicly listed.

Sa ngayon, inaantabayanan ang resulta ng tender offer at ang susunod na hakbang ng kumpanya, kabilang ang pag-apruba ng PSE sa planong delisting. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles