Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ridon: SC petition vs VP Sara impeachment, ‘diversionary tactic’

Tinawag ni House Justice Committee member at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na “diversionary tactic” ang petisyong inihain sa Korte Suprema para pigilan ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Ssinabi ni Ridon na malinaw ang layunin ng petisyon na ilihis ang usapin mula sa nagpapatuloy na pagdinig ng Kamara. “This petition is a clear diversionary tactic,” ani Ridon.

Binigyang-diin din niya na walang sapat na legal na basehan ang mga petitioner. Sinabi niya na “absolutely no legal personality” ang mga naghain ng petisyon para dalhin ang kaso sa Korte Suprema.

Ipinaliwanag ni Ridon na mali ang pag-angkin ng taxpayer status bilang batayan ng legal standing. Aniya, kinikilala lamang ang taxpayer suits sa mga kasong may kinalaman sa iligal na disbursement ng public funds, na wala sa impeachment proceedings.

Dagdag pa niya, hindi mapipigilan ng petisyon ang trabaho ng House Committee on Justice. “The petition will not stop the resolve of the Committee to exact accountability,” pahayag niya.

Binigyang-linaw ni Ridon na saklaw ng kapangyarihan ng komite ang pag-isyu ng subpoena at paghingi ng mga dokumento sa ilalim ng Konstitusyon at House Rules on Impeachment.

Iginiit din ni Ridon na hindi “fishing expedition” ang impeachment hearings na ginagawa ng Kamara. “What we have is an impeachable official who continues to evade accountability,” diin niya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles