Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ridon: Net worth ni VP Sara lumobo ng higit 1,000%

Lumobo ng higit 1,000 percent ang net worth ni Vice President Sara Duterte mula 2008 hanggang 2024, paglalahad ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon.

Ayon kay Ridon, malinaw ang datos mula sa mga Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Duterte. Sa pagsusuri ng kampo ng mambabatas, ang net worth ng bise presidente noong 2008 ay nasa humigit kumulang Php7 million. Pagsapit ng 2024, lumobo ito sa mahigit Php 86 million. Sa kabuuan, katumbas ito ng higit 1,000 percent na pagtaas sa loob ng halos labing anim na taon.

Ipinaliwana ni Ridon na mahalagang tingnan ang mga dokumento sa konteksto ng mga kasalukuyang isyu na kinakaharap ng bise presidente. Isa na rito ang kontrobersiya sa paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President at ng Department of Education noong siya ang kalihim ng ahensiya.

Dagdag ni Ridon, kahit pa ipalagay na ginamit ang confidential funds para sa safe houses o mga operasyon ng seguridad, nananatiling kuwestiyonable ang ganitong paggamit kung walang malinaw na detalye sa dokumentasyon. Ayon sa kanya, ang confidential funds ay inilaan para sa intelligence activities at hindi para sa ibang layunin na walang sapat na paliwanag sa publiko.

Sa gitna ng kontrobersiya, sinabi ni Ridon na mahalagang suriin ang mga dokumento tulad ng SALN dahil ito ang opisyal na tala ng yaman ng isang opisyal ng pamahalaan. Ayon sa kanya, nakatutulong ang mga ganitong dokumento para makita ng publiko ang galaw ng assets at liabilities ng mga lider ng bansa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles