Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ricci Rivero-Juliana Gomez, getting cozier, stronger


Pinag-uusapan ngayon ang nakunang video nina Juliana Gomez at Ricci Rivero, kasama ang aktres na si Maja Salvador.

Ito nga yung event kung saan dumalo ng tatlo sa day two ng Lubao International Balloon and Music Festival sa Pampanga kamakailan.

Hindi sinabi kung ano ang kaugnayan ng tatlo pero dahil mayroong talent arm si Maja, baka daw under ng artist management niya ang dalawa o isa sa kanila.

Anyway, mapapanood nga sa naturang video na very sweet ang dalawa na magka-holding hands habang nakatayo si Maja at tila nag-eenjoy sa music ng Parokya ni Edgar at iba pang performing artists.

May nag-komento pa na tila kiniss pa daw ni Ricci ang dalaga nina Cong. Richard at Mayor Lucy Torres.

Ang nakapagtataka lang sa reaksyon ng netizen ay yung tila disgusto nila kay Ricci na ikinabit na nga yung salitang ‘dugyot’ sa pagkatao nito.

May nagkomento pang suwerte daw nito dahil malamang na sa Forbes Park na din ito tumira pag nagkataon. Marami din ang nagtatanong kay Juliana kung ano ang nakita nito sa PBA player?

Nakakaloka, pero ayon sa napag-alaman ng Bistado, mayroon din namang “kakayahan” si Ricci sa buhay bilang maaga din itong nakapag-ipon at nakapag-invest dahil sa husay nito bilang atleta, product endorser at paminsan-minsang pagiging artista. Hindi rin naman daw pobre ang pamilya nito dahil matagumpay na negosyante din ang mga parents nito.

Sey nga ng kanilang mga supporters naman, “bakit ba kayo nangingialam sa lovelife nila? Of age na sila pareho to decipher their emotions and mental state noh? Graduate ng UP ang dalawang iyan kaya alam na nila ang ginagawa nila.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles