Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Reaksyon ng ekonomista sa apprehension ng Malacañang sa wealth tax: ‘Hahaha’

“Hahaha.”

Yan ang reaksyon ng ekonomistang si IBON Foundation Executive Director Sonny Africa sa apprehension ng Malacañang na suportahan ang panukalang “wealth tax” o pagtataas ng buwis sa pinakamayayamang Pilipino dahil sa pangamba sa posibleng “capital flight.”

Ang pahayag na ito ay kasunod ng sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro sa isang press conference na pinag-aaralan ng pamahalaan ang wealth tax ngunit may pangamba na baka magdulot ito ng paglipat ng kapital palabas ng bansa, lalo na mula sa malalaking negosyante.

Lumutang ang usapin ng wealth tax kasabay ng paghahanap ng gobyerno ng pondo para tugunan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis. Kamakailan, iminungkahi ng ilang ekonomista ang pagpapataw ng wealth tax sa pinakamayayamang pamilya para makalikom ng pondo para sa ayuda at crisis response .

Sa gitna ng ganitong diskusyon, diretsong kinontra ni Africa ang pangamba ng Malacañang. “Hahaha, no it won’t,” aniya sa kanyang post sa Facebook, kung saan tinawag niyang hindi makatotohanan ang argumento ng capital flight.

Ipinaliwanag ni Africa na ang yaman ng mga bilyonaryo sa Pilipinas ay nakapaloob sa mga negosyo na nakatali sa lokal na ekonomiya. “Pinoy billionaire wealth is heavily concentrated in domestic conglomerates generating location-specific rents dependent on constructed political advantages. They won’t and can’t just pack up and go,” aniya.

Binanggit ng ekonomista ang mga sektor kung saan nakapuwesto ang kita ng malalaking negosyante, kabilang ang ports, power, water utilities, highways, lupa at real estate, konstruksyon, malls, pagkain at inumin, bangko, at iba pa.

“Will they suddenly give up the billions they earn in the country from their ports, power and water utilities, highways, land and real estate, construction, malls, food and beverage, tobacco and booze, banks, and so on?” tanong niya.

Tinawag din niyang “fear-mongering” ang argumento ng capital flight at nagtanong kung sino ang bibili ng mga asset kung sakaling umalis ang mga bilyonaryo. “If the fear-mongering is to be believed and all the billionaires will fly, who’ll be left behind to buy them,” giit ni Africa.

Ipinaliwanag din ni Africa ang istruktura ng panukalang wealth tax na may 1 percent, 2 percent, at 3 percent na buwis sa yaman na lampas P1 bilyon, P2 bilyon, at P3 bilyon, at iginiit na maliit ang epekto nito sa galaw ng pamumuhunan. “Would a puny 1 percent, 2 percent and 3 percent tax on wealth over P1 billion, P2 billion, and P3 billion really materially affect either their investment calculus or the lifestyles they have?” tanong niya.

Ayon kay Castro, patuloy ang pag-aaral ng pamahalaan sa panukalang wealth tax bilang bahagi ng paghahanap ng pondo sa gitna ng oil crisis, habang nagpapatuloy ang diskusyon sa epekto nito sa ekonomiya at pamumuhunan sa bansa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles