Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Presyo ng basic goods hindi muna gagalaw, pagtaas sa April 17 pa

May higit kalahating buwan pa ang dadaan bago magtaas ang presyo ng basic necessities at prime commodities matapos magkasundo ang Department of Trade and Industry (DTI), mga manufacturer, at retailer na ipagpaliban muna ang anumang price adjustment.

Ayon sa pahayag ng DTI na inilabas Sabado ng gabi, napagkasunduan ng mga kinatawan ng manufacturers at retailers na huwag munang magpatupad ng pagtaas ng presyo hanggang April 16. Sa April 17 pa magsisimula ang anumang adjustment para mapanatili ang stability ng presyo sa gitna ng epekto ng patuloy na tensyon sa Middle East.

Sinabi ng DTI na suportado ng mga manufacturer at retailer ang hakbang na ito at nangakong sasagutin muna ang kasalukuyang pressure sa logistics at inventory.

Dumalo sa pulong ang mga kinatawan mula sa Alaska Milk Corporation, Chattrade Enterprises, Commonwealth Foods Inc., Century Pacific Food Inc., Ecossential Foods Corp., Sevilla Candle Factory Inc., Lorenzana Food Corp., Monde Nissin, Nestle Philippines, Procter & Gamble Philippines Inc., San Miguel Foods, Slord Development Corp., Unilever Philippines Inc., Universal Canning Inc., Universal Robina Corporation, Virginia Food Inc., at Wellmade Manufacturing Corporation.

Nakiisa rin ang Canned Sardines Association of the Philippines, ayon sa DTI.

Kabilang din sa mga dumalo ang mga kinatawan mula sa Robinsons Retail Holdings Inc., SM Markets, Metro Retail Stores Group Inc., at Philippine Amalgamated Supermarkets Association.

Nauna nang sinabi ng DTI na kahit nagdeklara ang Malacañang ng state of national energy emergency, wala itong kasamang automatic price freeze. Ayon sa ahensya, ang 60-day price freeze ay awtomatikong ipinatutupad lamang kapag may deklarasyon ng state of calamity alinsunod sa Republic Act 7581 o Price Act.

Sa ngayon, patuloy ang pinalakas na monitoring ng DTI sa buong bansa para matiyak ang stability ng presyo at sapat na suplay ng mga produkto.

Saklaw ng ahensya ang 726 na uri ng essential products, kung saan 196 ang may Suggested Retail Price o SRP.

Kabilang sa mga produktong ito ang de-latang sardinas, de-latang karne, kape, processed milk, instant noodles, condiments, laundry soap, toilet soap, kandila, asin, baterya, bottled water, at tinapay. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles