Naka-full alert ang Philippine National Police (PNP) para sa inaasahang dagsa ng mga biyahero pabalik ng lungsod matapos ang Semana Santa.
Iniutos ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa lahat ng PNP unit commander na mag-deploy ng sapat na puwersa sa mga pangunahing kalsada at transport hubs sa buong bansa.
Ayon sa PNP, tututok ang operasyon sa mga highway, bus terminal, pantalan, at paliparan kung saan inaasahan ang pagdami ng pasahero.
Pinalakas din ang police visibility sa mga matataong lugar para mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang krimen habang dumarami ang bumibiyahe.
Nakikipag-ugnayan din ang pulisya sa mga kaukulang ahensya para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at ligtas na biyahe ng publiko. /Bistado


