Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Planong pagtatayo ng US munitions factory sa PH, tinutulan

Mariing tinutulan ng human rights group na Karapatan ang planong pagtatayo ng ammunitions factory ng militar ng Estados Unidos sa Pilipinas, na target mag-load, mag-assemble, at mag-package ng 30-millimeter cannon rounds para sa US at mga kaalyado nito. 

Tinutukoy ang Subic at Bataan bilang posibleng lokasyon ng naturang pasilidad.

Sumiklab ang isyu matapos ihayag ng Estados Unidos na may planong palawakin ang defense manufacturing sa Asia-Pacific, kabilang ang posibilidad na magtayo ng bagong linya ng produksyon ng bala sa Pilipinas. 

Sa isang pahayag na inilabas noong March 20, sinabi ng Pentagon na pinag-aaralan sa ilalim ng isang US-led partnership ang pagtatayo ng ammunition facility sa bansa, kasabay ng plano para sa missile motor production sa Japan at drone cooperation sa iba pang bahagi ng Asia.

Ang planong pasilidad ay kaugnay ng Partnership for Indo-Pacific Industrial Resilience (PIPIR), isang inisyatiba ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang defense industrial base sa Asia-Pacific sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga partner countries para sa produksyon ng defense materials.

Itinatag ang PIPIR noong May 2024 para bawasan umano ang supply chain risks at ilapit ang produksyon ng military equipment sa mga lugar kung saan ito posibleng gamitin. Kabilang sa mga planong i-outsource ang paggawa ng solid rocket motors na ginagamit sa guided missiles, pati drones at ammunition.

Tinutulan ng Karapatan ang planong ito.  “The construction of a US munitions factory in the Philippines makes the Marcos Jr. regime complicit in the Trump regime’s criminal attacks against states that have shown independence against imperialist impositions.” Anang grupo.

Idinagdag pa ng human rights group na posibleng madamay ang Pilipinas sa mga hidwaan na hindi nito pinili dahil sa planong factory.  “It will also make the country a target of retaliatory or preemptive strikes by the US’ enemies, and irresponsibly drag the Filipino people into a conflict not of their own making,” saad ng Karapatan.

Nagbabala din ang grupo na baka gamitin sa mga Pilipino mismo ang mga armas na gagawin sa planong factory. 

“The munitions to be manufactured in the Philippines will likely be used also against Filipinos in the Marcos Jr. regime’s brutal counter-insurgency war… These very munitions have already been utilized in artillery attacks targeting upland communities, killing civilians and livestock, damaging the local population’s production areas and disrupting the people’s economic activities,” paliwanag ng grupo.

Patuloy ang diskusyon sa planong ito, lalo na sa konteksto ng pagpapalakas ng defense supply chains sa Indo-Pacific at ang papel ng Pilipinas sa mga inisyatibang panrehiyon na pinangungunahan ng Estados Unidos. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles