Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Panawagan sa LGUs sa Negros Oriental: bantayan ang presyo ng langis

DUMAGUETE CITY — Hinimok ng pulisya ang mga local government units (LGUs) sa Negros Oriental na makipagtulungan sa pagbabantay sa galaw ng presyo ng langis sa gitna ng sunod-sunod na oil price hikes.

Ayon kay Col. Timmar Alam, director ng Negros Oriental Police Provincial Office, kailangan ang tulong ng LGUs at publiko para maiwasan ang hoarding, overpricing, at posibleng kakulangan sa suplay.

Sa isang press conference noong March 18, sinabi ni Alam na inatasan na ang pulisya na bantayan ang galaw ng presyo ng langis sa lalawigan. Araw-araw umano nilang mino-monitor ang mga gasolinahan at nagsusumite ng ulat sa Department of Energy.

Gayunman, nilinaw niya na limitado ang kanilang mandato.

“Monitoring and reporting lang ang ginagawa namin. Wala kaming kapangyarihan na mag-aresto,” paliwanag niya.

Kasabay nito, nagpaalala ang opisyal laban sa pagho-hoard ng fuel matapos may mga ulat ng ilang indibidwal na bumibili ng maramihang gasolina sa mga lalagyan ilang araw matapos ang pinakahuling malaking oil price increase.

Aniya, tanging mga sektor tulad ng mangingisda, contractor, at iba pang nasa listahan ng gobyerno ang pinapayagang mag-imbak ng fuel.

Idinagdag ni Alam na ang mga LGU ang dapat magsagawa ng inspeksyon sa mga gasolinahan kung may reklamo, dahil sila ang may hawak ng listahan ng mga negosyong may permit sa kanilang nasasakupan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles