Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Nilalamok na hotel, tax evader pa?

May isang Spanish-themed boutique hotel ang usap-usapan ngayon sa hanay ng mga kabisto. Sosyal ang dating, pang-alta ang branding, pero tila may ibang kuwento sa likod.

Ayon sa mga report, ang naturang hotel na konektado sa isang kilalang bilyonaryong pamilya ay umano’y hindi nakapagbayad ng buwis simula pa noong 2019. Hindi biro ang halaga. Lampas P70 milyon para sa hotel pa lang. Kapag isinama ang iba pang properties nila sa parehong lungsod, aabot umano sa higit P200 milyon ang kabuuang obligasyon.

Mas lalong uminit ang usapan nang mabalitang humirit pa raw ang grupo na ipa-waive ang halos P70 milyong penalties at interes noong 2023. Ang ginamit na dahilan? COVID-19 pandemic. Using tragedies as free pass huh?

May paliwanag naman ang kampo. Sinasabi nilang may isyu daw sa pagtanggap ng bayad dahil sa kakulangan ng guidelines sa bagong batas na nagcocover sa ganitong transactions, saka nagbayad naman na daw sila – partially.

Pero sa ground, ibang kuwento ang naririnig. Ayon sa ilang kabisto, matumal daw ang galaw sa hotel. Kaya may mga nagbibirong, “nilalamok” na nga, may isyu pa sa buwis.

Clue? Pagmamay-ari ang hotel ng pamilyang bigtime sa negosyo at pulitika.

Yun na. Bistado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles