Pinag-usapan kamakailan ang naging pagbisita ni Nic Chien sa programa ng batikang TV host na si Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda sa GMA 7.
Si Chien ang nag-iisang anak ng internationally renowned theater icon Lea Salonga sa dati nitong asawang si Robert Charles Chien, isang Chinese-Japanese businessman.

Isang transman si Nic na ang tunay na pangalan ay Nicole Beverly, na lumabas sa publiko bilang isang transman noong 2025.
Ayon sa 20-year old theater artist, late na niyang nalaman na matagal na palang ‘separated’ and eventually divorced ang mga magulang niya.
Pagbabahagi nito sa show ni Kuya Boy, “I had my own IG account, and I was around 14 years old when out of nowhere a fan (rudely) messaged me saying, ‘Oh, so sad to hear the news that your parents are separated, blah-blah and so on.’ It was only then that I knew and when I asked my father ‘what’s going on?’ he confirmed it and said ‘sorry’ for not telling me.”
Hindi naman daw yun naging malaking isyu sa kanya lalo’t growing up ay inakala niyang normal sa isang couple ang hindi maging sweet. Until late niyang na-realize na tila hindi nga para sa isa’t-isa ang parents niya.
Ibinahagi din ni Nic na may harmonious relationship siya ngayon sa kanyang step mother na inilarawan pa niyang “wonderful woman” na siya daw nagpapasaya sa ama niya at lubos din niyang ikinagagalak na ma-witness.
Pero nilinaw din nitong very cose siya sa ina at dahil sila lang ang magkasama sa buhay sa ngayon, “she is the most important person to me.” Hindi rin daw niyang nakikitang ma-involve romantically sa ibang lalaki ang nanay niya dahil sey niya, “she is content right now, and happy with what she has.”
Sa pagpalaot nga ni Nic sa mundo ng theater, ayaw din niyang gamitin ang name at popularity ng ina na sinang-ayunan naman ni Lea mismo dahil aniya, “i can be the artist I dream to be. I think I have the qualities and skills, talent and what have to carve a name for myself.’
Sa katunayan ay may mga audition siyang sinalihan na pumila siya gaya ng ibang aspiring artist. At nang tanungin ng TV host kung bakit hindi niya sinasabing anak siya ni Lea Salonga, tugon nito, ” siyempre hindi. That idea horrifies me, because it’ll stain my reputation. I don’t need my mother to get into stuff, I have my own chops.”
Sa isang bahagi ng interview, inamin din ni Nic na kapwa siya nagkakagusto sa parehong lalaki at babae, depende daw sa kung anong nararamdaman niya sa mga panahong may romansa siya.
Ayon sa napag-laman ng BISTADo, ang isang transman ay ipinanganak na babae subalit nagnanais na mabuhay bilang isang lalaki. Kadalasan ay nag-undergo ito ng transition steps (social, medical, legal) upang ma-align sa masculine identity. Ganun din naman sa kaso ng counterpart nitong transwoman.
Sa naturang transition method ng parehong transman at transwoman, possible silang gumamit at sumailalim ng hormone replacement therapy (HRT) o gender-affirming surgeries to manage gender dysphoria
Sa kaso ni Nic, sinuportahan siya ng both parents sa ginusto niyang transition na noong 2025 nga naganap.
Kilos lalaki, hitsurang lalaki at boses lalaki na ngayon si Nic matapos nga itong sumailalim sa ‘breast removal’ surgery.
Sa ngayon ay unti-unting nag-establish ng kanyang pangalan si Nic simula ng magkaroon siya ng mga appearances bilang singer simula noong bata pa lang siya. May mga napagwagihan na din siyang mga stage performances lalo na noong nag-aaral siya sa New York.
Nagsimula siya sa larangan ng theater bilang Nic Chien noong 2017 sa musical play na Matilda. At noon ngang 2025 ay nakasama niya ang inang si Lea kung saan nga tinanggap ng lahat ang husay niya sa Into the Woods, the musical.
Sa ginagawa niyang musical play na Spring Awakening, abangan daw natin ang iba pang rebelasyon sa pagiging theater artist ni Nic.
Hindi naman daw niya isinasara ang posibilidad na lumabas din siya sa TV at movies, pero sa ngayon ay sa theater muna siya nakatuon.


