PAMPANGA. Bagsak ang isang umano’y cyber-financial scam hub matapos salakayin ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) ang isang pasilidad saClark Freeport Zone, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 14 kataona pinaniniwalaang sangkot sa panloloko sa mga retirado at vulnerable na indibidwal.
Isinagawa ang raid noong Pebrero 21 matapos maglabas ang Regional Trial Court Branch 132 ng Makati ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data.
Pagdating sa site, agad nagsagawa ng digital forensic examination ang mga ahente ng NBI katuwang ang Clark Development Corp. Security Services Group. Narekober saoperasyon ang mga high-end computer, smartphones, sandamakmak na SIM cards, at mga ledger na may detalye ng personal na impormasyon ng mga target na biktima.
Batay sa imbestigasyon, gumagamit umano ang grupo ng “social engineering,” isang modus kung saan nililinlang ang mga taopara ibigay ang personal at financial data. Sa modus, pinapaclickang biktima sa phishing links at inaanyayahang mag-invest sapekeng online platform. Kapag nakapagdeposito na ng malakinghalaga, bigla umanong bina-block ang account at nawawala ang access sa pondo.
Ayon sa NBI, madalas na tinatarget ang retirees dahil sa ipon at limitadong kaalaman sa online security. Dinala ang 14 suspek sainquest proceedings para sa paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act at Republic Act 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act.
Naglabas din ng babala ang ahensya sa publiko laban sa mga“too good to be true” investment offers na kumakalat online.
Paalala ng NBI, dapat magpa-verify muna sa tamangregulatory bodies ang anumang investment platform bagomaglabas ng pera, at huwag basta mag-click ng kahina-hinalang links o magbigay ng sensitibong impormasyon. Habang patuloy ang imbestigasyon, inaasahan ng mgaawtoridad na may lalabas pang detalye kung gaano kalawakang operasyon at kung ilan pa ang posibleng nabiktima./Bistado


