Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Nadine Lustre-Paulo Avelino, pina-iingay ang movie team up?

Kasalukuyang nasa Paris ngayon sina Paulo Avelino at Nadine Lustre dahil sa ginagawa nilang bagong romantic movie sa direksyon ni  Antoinette Jadaone.

Sa ilang mga naglalabasang ‘clips o photos’ on line ng dalawang sikat na artists,  mukhang magiging mainit ang promo ng movie lalo’t tila may kakaibang reaksyon ang mga KimPau (Kim Chiu-Paulo Avelino fans) na ayon sa ibang netizen ay tila nasosobrahan ang pagiging “seloso.”

 “Toxic na toxic ang awrahan nila. Parang sila ang nagmamay-ari kina Kim at Paulo. Ang higpit nila at ayaw nilang may ibang makatambal ang kanilang mga idolo,” komento ng ilang netizen.

May mga pagbabanta pa diumano ang ilan na hindi nila ito susuportahan once na maipalabas na.

Sa panig naman ng mga supporter ni Nadine, hindi daw sila worried dahil proven ng isang de-kalibreng aktres ang idolo nila at iba na ang level ng pagka-aktres nito. 

“Multi-faceted actress si Nadine. Award-winning at kaya niyang makatambal ang kahit sinong leading man sa bansa. Pareho silang URIAN awardees ni Paulo kaya’t for sure, seryoso ang tema ng movie and knowing direk Jadaone, sure ang quality nito,” hirit pa nila.

Wala pa mang inilalabas na promo details ang naturang movie team up, pero nang dahil sa buzz na nalilikha ng ingay ng fandom, napag-uusapan na ang movie na inaasahan daw na i-rilis ngayong 2026.

Balitang pumunta din umano si Kim Chiu sa Paris kung saan nagkaroon pa ng pagkakataon na makasama sa “double dinner date” ang direktor na si Antoinette at jowa nitong si direk Dan Villegas at siyempre ang napapabalitang bf nitong si Paulo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles