Dahil sa patuloy na ‘backlash’ ng publiko at social media kay Cong. Bong Suntay hinggil pa rin sa usaping “statement” nito na may mention kay Anne Curtis, nagbigay na ng saloobin ang asawa nitong si Sheila Guevara.
Ayon sa statement na ibinahagi sa social media ng asawa ng Kongresista, “To Anne Curtis and her family, I am deeply sorry, every woman — regardless of who she is, whose wife or daughter she may be, or whatever her background — deserves to be treated with dignity and respect. That is a value I hold deeply and will never compromise on. I also make this appeal with all sincerity: please leave me and my children out of this. We are not public figures. My children are children. No mother should have to watch her children be targeted and harassed for something they had no part in.”
Pinabulaanan din nito ang sinabi ng asawa na diumano’y “natawa” lang ito sa naging pahayag ng Congressman. Dagdag pa nito, “I want to be unequivocally clear: My children and I do not agree with and we do not condone the analogy made by Bong. The news circulating that I laughed (at) and therefore approved of what was said is false, and I will not allow that narrative to stand unchallenged. “
Sa paghingi nito ng apology sa aktres, sinabi pa nitong naninindigan at karamay niya ito sa pagtindig sa kung ano ang tama. Pinakiusapan pa niya ang socmed na huwag naman sana silang idamay ng kanyang mga anak sa “pagkakamali” ng asawa.
Bunsod nito, marami tuloy netizen ang nagtataka at nagtatanong kung nagsasama pa ba sila ng Kongresista lalo’t naging kapuna-puna daw ang paggamit nito ng pangalang Sheila Guevara, imbes na may Suntay?
And yes, nang dahil sa naturang pahayag ng misis ni Cong. Bong Suntay, lumabas itong gumagawa ng kuwento at nagsisinungaling sa taumbayan.
Bagay ngayon na ginagamit ng marami para paalalahanan ang mga nasa ika-apat na distrito ng Quezon City na huwag kalilimutan ang ganitong pangyayari dahil anila, “hindi lang siya bastos, sinungaling pa.” /Bistado


