Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Meralco, nakipagpartner sa Korean firms para sa nuclear energy

Nakipagkasundo ang Manila Electric Company (Meralco) sa dalawang institusyon mula South Korea para pag-aralan ang posibilidad ng nuclear energy projects sa Pilipinas.

Nilagdaan ng Korea Hydro and Nuclear Power (KHNP), Export-Import Bank of Korea (KEXIM), at Meralco ang isang trilateral Memorandum of Understanding noong March 4 sa Maynila para sa kooperasyon sa isang posibleng nuclear power project sa bansa.

Layunin ng kasunduan na maglatag ng isang strategic cooperation framework na sasaklaw sa technology, feasibility analysis, workforce development, at financing para sa nuclear energy initiatives sa Pilipinas.

Sa ilalim ng MOU, pag-uusapan ng tatlong panig ang pangkalahatang pagpasok ng nuclear technology sa bansa. Kasama rin sa plano ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga lokal na tauhan sa pamamagitan ng education at training na may kinalaman sa nuclear power.

Nakasaad din sa kasunduan ang kooperasyon sa mga paunang yugto ng pagbuo ng isang nuclear plant, kabilang ang feasibility studies at pagtalakay sa mga posibleng lokasyon ng proyekto. Bahagi rin ng framework ang pag-aaral ng mga posibleng mekanismo para sa financing ng proyekto.

Ayon sa mga detalye ng kasunduan, ang partnership ng tatlong institusyon ay naglalayong pagsamahin ang karanasan ng KHNP sa nuclear plant construction at operation, ang financing capability ng KEXIM, at ang kaalaman ng Meralco sa lokal na power market.

Sa ngayon, nasa exploratory stage pa lamang ang kooperasyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles