Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

May ‘pork barrel’ pa rin? P57.9-B LGU fund, binanatan

Kung akala ng ilan tapos na ang usapang pork barrel, nagkakamali ata sila. 

Ito ay matapos banatan ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio ang Local Government Support Fund (LGSF) at tinawag na“discretionary LGU pork” ang setup, kasabay ng paglulunsad ng Malacañang sa “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” ngayong linggo.

Babala ni Tinio, hindi dapat magpalinlang sa mga palabas napagkakaisa at engrandeng pagtitipon ng mga mayor at gobernador na ginagawa ng Palasyo noong Lunes. Para sakanya, ang bilyones na “discretionary fund” ay puwedeng maging instrumento para gantimpalaan ang kaalyado at i-pressure ang kritiko dahil kontrolado ng Pangulo at ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglabas ng pondo, batay na rin sa mga alituntuning inilabas ng  DBM.

Ang LGSF, aniya, ay direktang kontrolado ng Ehekutibo, kaya pwedeng itong maging panggantimpala o pang-pressure sa mgamayor at gobernador. Dagdag niya, bahagi ng inilaang LGSF sa2026 ay mula sa P17.9 bilyong tinapyas mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund, na para sana sa benepisyo ng guro at health workers, at inilipat patungo sa LGU funds sa deliberasyonng 2026 budget. 

Umingay ang isyu matapos tipunin ng Malacañang noong Pebrero 23 ang mga gobernador, city at municipal mayors para pag-usapan ang implementasyon ng pondo para sa local development projects. 

Ngayong taon, lumaki ng higit P34 bilyon ang pondo ng LGSF tungong P57.88 bilyon, pinakamataas sa kasaysayan ng nasabing pondo.

Sa breakdown na inilatag ng Malacañang, pinakamalaki ang P37.49 bilyon na laan para sa Financial Assistance to Local Government Units na tututok sa infrastructure at public works. 

May P11.2 bilyon para sa Growth Equity Fund para sa pagtulong sa mahihirap, disadvantaged, at low-income LGUs, pati sa mga may fiscal gaps dahil sa devolution. 

May P8 bilyon naman para sa National Task Force to End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) barangay development program, at may P1 bilyon para sa participatory budgeting na nakatuon sa water systems at climate-resilient evacuation centers.

Para kay Tinio, malinaw na “red flag” ang pondo dahil “discretionary” o nasa kontrol direkta ng Palasyo ang LGSF. 

Dagdag pa niya, dahil sa malawak na saklaw ng paggagamitan ng pondo, mula sa infrastructure projects hanggang medical at funeral assistance, madaling gamitin ito bilang politikal naleverage. May pangamba rin siya na mauulit ang isyu ng kickbacks at overpricing na matagal nang ibinabato sa ilang proyekto ng gobyerno. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles