Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Marcos: Tipid-tipid muna sa gasolina

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na magtipid muna sa paggamit ng gasolina at kuryente habang tumataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang mercado bunsod ng umiigting na Middle East conflict.

Sa isang press conference ngayong March 3, sinabi ng Pangulo na kailangang maging maingat ang bawat Pilipino sa pagkonsumo ng enerhiya dahil ramdam na ang epekto ng paggalaw ng presyo sa labas ng bansa. Dagdag niya, mahalaga ang pagtitipid upang mabawasan ang bigat sa gastusin ng mga pamilya at sa kabuuang ekonomiya.

Sumabay ang pahayag na ito sa pag-akyat ng presyo ng krudo matapos ang panibagong tensyon sa Middle East. Tumaas ang presyo ng langis sa world market dahil sa pangamba sa suplay bunsod ng sigalot sa rehiyon.

Binigyang-diin ng Pangulo na mahalaga ang koordinasyon ng pamahalaan at pribadong sektor upang mapanatili ang sapat na suplay ng enerhiya. Kasabay nito, hinikayat niya ang publiko na bawasan ang hindi kinakailangang biyahe at maging mas maingat sa paggamit ng kuryente sa bahay at opisina. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles