Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Maine Mendoza- Arjo Atayde, natsi-tsismis na hiwalay na?

Tinanggal na ng komedyanteng si Bayani Agbayani ang video post niya tungkol sa naganap na joint birthday celebration ng mag-amang Art at Ria Atayde last March 23.

Natapat din ito sa anniversary ng mag-asawang Ria at Zanjoe Marudo kaya’t masasabing sobrang ‘family event’ ito para sa mga Atayde at mga close friends nila gaya nga ni Bayani.

Si Ria ang nakababatang kapatid ni Arjo, 1st district Congressman ng Quezon City na asawa ng pamosong si Maine Mendoza.

Ang sinasabing video ay personal umanong kuha ni Agbayani kung saan nga makikitang masayang nagsama-sama ang pamilya Atayde at mga bisita nila.

Nagkaroon lang ng isyu ang naturang post dahil sa dinami-dami daw ng mga family members na nandun ay kung bakit hindi namataan ng netizen si Maine? May mga nagtatanong kung bakit wala ang TV host ng Eat Bulaga, na madalas naman daw ay laging present sa mga family gathering ng asawa.

May mga nagsasabing baka nagkahiwalay na umano sina Maine at Arjo. May mga tsismis kasi noong kasagsagan ng ‘flood control scandal’ na umiiwas umano ang pamilya ni Maine na magkaroon man lang ng kaugnayan sa noo’y iniintrigang si Arjo, bilang isa sa mga diumano’y nakinabang sa scandal.

Pinag-uusapan sa ilang thread ang naturang obserbasyon, lalo’t mas nakaka-intrigang malaman na tila malakas ang paniniwala ng netizen sa involvement umano ni Arjo sa usaping flood control.

May mga supporter naman si Maine na nagsasabing baka naman may sakit o ibang personal na lakad si Maine kaya’t wala ito sa okasyon ng pamilya ng asawa. May mga nagpapalagay namang possible ding umiiwas ito pero hindi naman daw ibig sabihin na nakipaghiwalay na ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles