Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Luxury ride ni ‘News Diva,’ saan galing?

May bagong bulung-bulungan ngayon sa isang malaking newsroom matapos mapansin ng ilang staff ang bagong sasakyan ng isang kilalang female news personality. Hindi basta kotse ha. Ayon sa mga nakakita, isa itong bagong luxury vehicle na may presyong umaabot umano sa eight digits! Bongga!

Kilala ang naturang TV anchor sa kanyang glam look, kurbada na pang-magazine cover, at presensya sa camera na matagal nang kinagigiliwan ng manonood. Kaya nang dumating siya sa opisina sakay ng kanyang bagong ride, maraming napa-second look. Ang tanong ng ilan sa newsroom: saan galing ang pambili?

Ayon sa ating mga kabisto, matagal nang usap-usapan ang umano’y espesyal na koneksyon ng naturang news personality sa isang makapangyarihang government honcho. Ang nasabing senior bossing ay matagal nang kilala sa kanyang political dynasty at kasalukuyang may mataas na posisyon sa Executive matapos magsilbing opisyal sa isang lalawigan sa Luzon.

Hindi raw madalas makitang magkasama ang dalawa sa publiko. Pero ayon sa ilang insiders, ilang beses na silang namataang magkasama sa mga pribadong lugar, gaya ng private lounges. 

Dagdag pa ng bulungan sa newsroom, kilala raw ang naturang news diva sa hilig sa designer bags at luxury accessories. Kaya hindi na raw nakapagtataka kung mabilis ding napansin ng mga katrabaho ang bagong addition sa kanyang lifestyle.

Pero hindi lang iyon ang ikinukuwento sa newsroom pantry. May mga nagbibirong matagal na raw reputasyon ng naturang news personality ang pagiging “friendly” sa mga international artists na bumibisita sa bansa para sa concerts at events. Tuwing may malaking foreign star na dumarating, may mga marites na nag-aabang kung may bagong backstage kwento na naman.

Totoo man o hindi ang mga bulong na ito, isang bagay ang sigurado. Ang biglaang pagdating ng luxury ride ay naging instant topic sa newsroom elevators, dressing rooms, at group chats. 

Sa ngayon, tikom pa rin ang bibig ng magkabilang kampo tungkol dito. Bistado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles