Pinag-uusapan sa isang blog site ang pagdalo ni Liza Soberano sa katatapos lang na 98th Academy Awards o mas kilalang OSCARS awards night sa USA.
Sa IG post ng hollywood fil-am star na si Tia Carrere, makikitang kasama nito ang pinay actress sa pakikipag-pose sa ilang mga hollywood celebrities.
Hindi ito ang unang beses na namataan si Liza sa mga malalaking event sa USA, either as a presenter sa isang minor awards night, o simpleng rumarampa lang siya. May pagkakataon pang kahit sa NBA game ay makikitang nanonood din ito.

Sa USA na naka-base si Liza matapos siyang makalabas sa ilang mga projects kasama na ang pinaka-malaking exposure niya sa hollywood movie na Lisa, Frankenstein. Mina-manage din ang kanyang career ng isang Asian-based artist’s house na may mga USA agents na nagbibigay proyekto kay Liza, na naging big star din sa bansa.
Taong 2020 ng tuluyang lisanin ni Liza ang kanyang showbiz career sa Pilipinas matapos mawalan ng prangkisa ang mother studio niyang ABS-CBN at hindi na lumabas sa kahit anong project outside her network. Kahit ang tandem nila ng real-life bf niyang si Enrique Gil ay tuluyan na ding nabuwag, kasunod ng kanilang break-up.
Pansamantala siyang minanage ng Music label ni James Reid katulong ang Korean-businessman na si Jeffrey Oh, napabalitang naging bf niya na ngayo’y idinemanda ni James dahil sa isyung may kinalaman sa pera.
Ayon sa mga netizen na tinututukan ang kanyang mga “ganap” sa hollywood,
“unkabogable Liza! Liza hobnobbing with the greatest in the world. We can safely say and assume that Liza Soberano is the Gen Z version of Madame Imelda Marcos. Well respected and sought after by Hollywood royalty. Truly a Filipino pride.”
May mga nanlait naman na nagsabing, “Ang chaka ng mga gown ni liza kapag umaattend ng awards (events) sa US, di man lang mag-invest sa magandang gown.”
Ang ilan pa sa magkakahalong reaction sa naturang blog site hinggil sa latest “rampa” ni Liza ay ang mga sumusunod: “Yown Filipina scratching elbows with the Hollywood celebrities.
“From superstar to faney (fan), from center of attention to photobomber
halos lahat naman ng ph halfies na artista magiging ganun if hollywood na goal, TH datingan but at least they try to network. Si Lea Salonga lang may K dyan kahit international pa,” sagot naman ng isa.


