Sa programang Fast Talk ni Boy Abunda sa GMA 7, ay inamin ni Lella Ford na proud nepo baby siya.
Kasama ang nanay niyang si Karla Estrada, sumalang sa interview ang PBB Celebrity Collab edition 2.0 Kapamilya grand winner.
Ayon sa 20 year old sister ni showbiz’s heartthrob Daniel Padilla, bilang isang ‘nepo baby’ ay may obligasyon siyang mas maging productive at responsible sa mga gawain niya.
At dahil nauso nga sa panahong ito ang bigyang label bilang ‘nepo baby’ ang mga kabataang kagaya niya na may kuneksyon, power, influence at may pamilyang matatawag na may mataas na estado sa lipunan o sektor na kabilang sila, tanggap daw ni Lella na nepo baby siya.
“Nagiging masama lang siya if you take advantage of it, if palamunin ka lang at wala kang ginagawa. But ako po, I’m here because I’m making a name for myself. Pinaghihirapan ko lahat ng mayroon ako now,” paliwanag nito.
Samantala, naging masaya naman ang palitan ng sagot nila ng nanay niya sa mga nakaka-intrigang tanong ni Boy Abunda.
Tinanong ng host kung ano ang take ni Lella sa mga bashing at intriga sa pamilya nila, lalo’t sikat na sikat nga ang kuya Daniel niya.
“Bata pa lang po ako, ang dami ko na pong naririnig na mga ganyan.Growing up, ang dami ko na pong naririnig na controversial things about my mom, about my brother. Sa akin po, mas mabigat po ‘yon kapag tungkol sa pamilya po ‘yun. Mas gusto ko pong bigyang pansin ang kailangang bigyang pansin. Kapag alam ko na gusto lang talagang manira or wala naman pong meaning ‘yung sinasabi nila, dedma,” sagot nito.
Inamin din nitong mas mahigpit siya ngayon sa mga romantic involvement ng ina na ayaw na daw nilang mag-asawa pang muli dahil pagdating daw sa pag-ibig ay “nababaliw” ang nanay nila.
Hirit tuloy ni Karla, “tatanda na lang akong mag-isa.” /Bistado


