Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kris Aquino, may collab kay Dingdong Dantes

Sa balitang pagbabalik socmed ni Kris Aquino, isa ang Kapuso actor at primetime king Dingdong Dantes sa napapabalitang makaka-collab ng Queen of Talk.

Sa socmed post nina Darla Sauler at Jonathan Velasco, makikitang inaayusan si Kris bilang paghahanda sa gagawin nitong ‘collab’ kay Dingdong.
Kaibigan at dating headwriter ni Kris si Darla sa TV show na Morning with Kris Aquino, habang si Jonathan naman ang kanyang make-up artist.

Kapuna-puna ang medyo tumabang hitsura ni Kris na ayon sa mga nakasubaybay dito ay sanhi marahil ng mga iniinom nitong gamot para sa kanyang karamdaman.

Sa mga pinusuang photos ng netizen, makikitang sinamahan ng writer friend ang aktor-host sa isang lugar sa BGC, Taguig kung saan nandun din sina Kris at anak nitong si Bimby.

Makikitang masayang nag-uusap ang mga ito at tila nga may malaki at bonggang paghahanda silang gagawin.

Nagkasama sina Kris at Dingdong sa 2011 film na ‘Segunda Mano’ at naging ninang din ito nina Dingdong at Marian Rivera sa kanilang kasal.

Sa tila gumaganda at nagiging maayos na kundisyon ng kalusugan ni Kris, marami nga ang nanabik sa kanyang pagbabalik ngayong nasa digital world na halos ang karamihan.

Kamakailan nga lamang ay pinag-usapan din ang naging pagdalaw nito sa Malacanang, sa imbitasyon ng mag-asawang First Lady Liza Marcos-Araneta at Pangulong Bongbong Marcos, sa tulong ng common friend nilang si Michael Leyva, isang kilalang fashion designer.

Binigyan nga siya doon ng belated birthday treat na ikinatuwa naman ng mga nasa mundo ng pulitika dahil pambihirang pagkakataon nga naman na makitang ‘at peace’ na magkasama ang Marcos at Aquino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles