Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Kpop Demon Hunters,’ may sequel!

We’re going up, up, up!

Hindi pa man tumitigil ang mga bagets at chikiting sa pagkanta ng “Golden” mula sa seryeng “Kpop Demon Hunters,” nag-anunsyo na ang Netflix na magkakaroon ang hit animated film ng sequel.

Kinumpirma ng Netflix ang planong ipagpatuloy ang kuwento ng animated film matapos ang malakas na pagtanggap ng audience sa unang installment.

Naging patok sa mga manonood ang “Kpop Demon Hunters” dahil sa kakaibang timpla ng K-pop at fantasy action. Sa pelikula, sinusundan ang grupo ng K-pop idols na may lihim na tungkulin bilang demon hunters na nagtatanggol sa mundo laban sa mga supernatural na banta.

Bukod sa kuwento, naging viral din ang soundtrack ng pelikula. Kabilang dito ang kantang “Golden,” na mabilis na sumikat sa social media at patuloy na kinakanta ng maraming chikiting.

Ang tagumpay ng unang pelikula ang nagtulak sa Netflix para ituloy ang proyekto sa pamamagitan ng sequel.

Inaasahan ding babalik ang creative team na nasa likod ng unang pelikula para sa susunod na installment. Layunin nitong palawakin pa ang kuwento at ang mundo ng “Kpop Demon Hunters.”

Hindi pa inilalabas ng Netflix ang eksaktong petsa kung kailan ipapalabas ang sequel. Gayunman, kinumpirma ng streaming platform na nasa development na ang proyekto. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles