Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kamara, idineklarang ‘sufficient in form’ ang 2 sa 4 na impeachment raps vs VP Sara

Dalawang impeachment complaints laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte ang idineklarang sufficient in form ng House Committee on Justice nitong Lunes, habang ang natitirang dalawang reklamo ay na-set aside o na-withdraw na, ayon sa mga ulat ng Kamara. 

Sinimulan ng panel ang deliberasyon sa apat na impeachment complaints noong Marso 2, kung saan tinalakay muna kung sapat ang pagkakasulat at pagkakaayos ng mga dokumento upang ito ay pormal na ituloy.

Ang dalawang reklamo ay pinayagang umusad matapos pumasa sa pagsusuri sa sufficiency in form, habang ang isa ay na-withdraw at ang isa pa ay na-set aside ng komite. 

Ang apat na reklamo ay nagtuturo sa iba’t ibang umano’y paglabag ni Duterte, kabilang ang alleged misuse o maling paggamit ng confidential funds, hindi pagdeklara ng mga assets, abuso sa kapangyarihan at iba pang umano’y mga paglabag sa batas at tungkulin, ayon sa mga nagpetisyon. 

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayong ikalawang araw ng impeachment proceedings, inihanda ng komite ang pagtalakay sa “substance” ng mga raps o ang laman at batayan ng mga paratang laban sa bise presidente. Ito ang susunod na yugto upang malaman kung may sapat na batayan para ituloy ang pag-usad ng kaso. 

Ang House Committee on Justice ang siyang responsable sa initial consideration ng mga impeachment complaints, kabilang ang pagsusuri kung ang mga ito ay sufficient in form at in substance bago isumite sa plenaryo para sa posibleng adoption at pagpasa sa Senado. 

Kapag napagpasyahan ng komite at plenaryo ng Kamara na may sapat na batayan ang mga reklamo, ang mga ito ay ipapasa sa Senado na magsisilbing impeachment court, kung saan pormal lilitisin ang mga kaso. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles