Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

JINIT JACKSON! Calapan, naabot na ang danger-level heat index

Jinita Linda. Jinit Jackson. Jinet Paltrow.

Ganyan ang panaghoy ng marami ngayong araw matapos umabot sa danger level ang damang init sa ilang bahagi ng bansa, kabilang ang Calapan City sa Oriental Mindoro, na batay sa kanilang City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) ay nakapagrecord ng heat index of 44°C ngayong araw.

Dalawa namang lugar sa Visayas ang opisyal na naitala ng PAGASA na umabot na rin sa danger-level heat index, kabilang ang Dumangas, Iloilo  na nakapagtala ng 43°C at Catarman, Northern Samar na nakapagtala ng 42°C.

Ang heat index ay hindi lang ordinaryong temperatura. Ito ang init na aktuwal na nararamdaman ng katawan kapag pinagsama ang temperatura ng hangin at halumigmig. Kapag mataas ang humidity, mabagal matuyo ang pawis at mas hirap lumamig ang katawan. Kaya kahit hindi rekord ang reading ng thermometer, puwedeng mas matindi ang epekto ng init sa tao.  

Delikado ang ganitong antas. Ayon sa klasipikasyon ng PAGASA, ang 42°C hanggang 51°C ay nasa danger level. Sa range na ito, posible ang heat cramps at heat exhaustion, habang tumataas ang panganib ng heat stroke kapag nagpatuloy ang bilad at pagod sa init. Ibig sabihin, hindi ito basta “mainit lang.” Ito ang antas ng panahon na puwedeng manghina, mahilo, ma-dehydrate, o tuluyang himatayin ang isang tao kapag napabayaan.  

Payo ng mga eksperto, sa ganitong klase ng init, kailangan ang madalas na pag-inom ng tubig, iwas sa matagal na bilad lalo na sa tanghali hanggang hapon, at agarang pahinga kapag nakaramdam ng hilo, panghihina, o matinding uhaw. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles