Nang dahil nga sa pinag-usapang score ni Rabiya Mateo sa kinuha nitong National Medical Admission Test (NMAT), pinag-uusapan din ngayon sa showbiz world ang posible nitong pakikipagbalikan sa award-winning actor na si Jeric Gonzales.
Matapos na napabalita ang 741 General Performance Score (GPS) ng dating beauty queen, placing her among the top 1% of examinees nationwide, kinikilig ang mga supporter nila ni Jeric.
Ipinagmalaki kasi ni Jeric ang naturang achievement ni Rabiya at sinabi nitong sinusuportahan nito all the way ang mga nais gawin ngayon ng dating gf.
“Hindi naman kami totally strangers. We still communicate, lagi pa din kaming nag-a-update ng mga ganap namin. Wala namang nabago maliban sa nahinto na yung romantic involvement namin due to a lot of stuff, like work, family at siya sa kanyang medical at mental condition,” bahagi ng paliwanag ng aktor.
“We still care for each other. Hindi naman mawawala yun,” hirit pa ni Jeric.
Halos tumagal din ng tatlong taon ang naging relasyon nila simula noong 2021 na inakala nga ng marami na mauuwi sa mas seryosong estado.
“Who knows? Mukha namang need lang nila ng time. Na-witness naman natin kung paano silang nagmahalan ng wagas,” komento pa ng netizen online.
Nito lang Pebrero ay ibinalita ng dating Miss Universe Philippines 2020 na may plano siyang mag-balik medical school para tuparin ang long time dream nitong maging isang doktor. Pansamantala muna daw siyang mag-lay low sa showbiz dahil bukod sa patuloy na pag-monitor sa kanyang kondisyong mental sanhi ng mga anxieties, nais din daw nitong muling makasama sa kanilang probinsya sa Iloilo ang mahal niyang ina.
“It’s a calling and I’m so happy to share this to everybody that I’m gonna go back to med school. And I’ve wanted to become a doctor ever since,” sey nito sa isang akugnay na panayam.
Dagdag pa nito, “”siguro isa (pa) rin sa fact (o reason) is because I really want to understand my situation right now. And aside from that, gusto ko rin makatulong overall. I really wanna use my knowledge to help people.”
Nagtapos bilang cum laude si Rabiya with a Bachelor of Science in Physical Therapy degree from Iloilo Doctors’ College in 2018, bago pa man siya naging representative ng Phils sa Miss Universe 2020 at naging bahagi ng Sparkle Artist unit sa GMA 7 kung saan nakalabas din siya sa ilang mga major TV series.


