Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jema Galanza, enjoy sa pressure

Binitbit ni Creamline Smasher reliable na si Jema Galanza ang latest feat nila kontra Nxled Chameleon sa mistulang championship series game nila last Saturday sa punung-punong Filoil Arena sa San Juan, sa on-going All Filipino Conference ng Premier Volleyball League (PVL).

“Ine-expect na po namin talaga ‘yun, since last year pa, buong conference ata, nakalaban namin, Petro [Gazz] pa sila pero same players, talagang umaabot ng fifth set eh,” sambit ni Galanza matapos siyang tanghaling Best Player of the Game.

“So, hindi naman po kami nanibago don. Talagang si Coach Sherwin [Meneses] naman laging sinasabi yung composure ang importante sa game para manalo,” dagdag nito.

Sa limang sets kontra Nxled, naitala ng Creamline ang 25-16, 22-25, 25-21, 15-25, 15-10, 2026 victory.

Naging excited ang mga fans ng parehong koponan sa tila sinasabi nilang “preview” ng posibleng championship match though siyempre nandiyan pa rin ang malalakas na PLDT, Choco Mucho, Akari at iba pang teams.

Ayon pa Galanza, higit siyang “challenged” kapag may pressure sa game. “Iba kasi ang adrenalin, yung naibibigay nitong confidence at consistency sa laro. Nag-eenjoy ako sa pressure.”

Tie na ngayon sa second place ng PVL standing ang PLDT at Creamline na may parehong 5-1 (win-loss) record at may over-all total points na 14. Nasa number one naman ang Cignal Super Spikers na may 5-2 kartada, at 16 total points sa on-going eliminations.

Halos lahat ng Smashers ni Coach Meneses ay nagmarka sa naturang laro gaya nina Jeanette Panaga, Tots Carlos, at Bernadeth Pons.

Nakapagmarka si Galanza ng 19 points on 18 attacks and one service ace, to go along with 10 excellent receptions, habang si Pons ay nakapag-tally ng18 points on 15 attacks and three kill blocks plus 13 excellent digs.

Dinagdagan ito ni Carlos na may 16 points at 13 excellent digs, habang si ay nag-contribute ng 13 points on six attacks, six blocks, and one ace. De Leon also chipped in nine markers.

Si Jia De Guzman ang nanaig sa offense para sa team with her 28 excellent sets and two points, habang ang libero nitong si Jennifer Nierva ay nakapagbahagi din kasama ang nagbabalik Creamline na si Kyla Atienza, nay may 15 excellent receptions.

Susunod na makakaharap ng Creamline sa Thursday, March 12 ang Akari Chargers sa parehong venue. Masundan kaya ng ika-anim na panalo ang five-win streak nila? Abangan! /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles