Bibigyang pugay ng RDR Films ang kahusayan ni Jean Garcia bilang isa sa mga pinaka-pipitaganang kontrabida sa showbiz.
Sa soon to be released nilang podcast, ilalatag ng beterana at award-winning actress ang mga naging karanasan niya bilang primera kontrabida sa TV at pelikula.
Magbibigay din si Jean ng mga tips at halimbawa ng mga “kontrabida scenes” na posibleng maging huwaran ng mga nais siyang tularan.
Sasamahan din siya ng ilan sa kilala ding “kontrabida” sa sine at TV gaya nina Gladys Reyes, Archie Alemania at Sassa Gurl, bilang hahamon sa kakayahan niya. Kaya’t asahan na daw ng mga manonood ang bardagulan, sampalan, mga linyahang nakakagulantang at eksenang kontrabida lang ang may kakayahang gumawa.
Kilala ang RDR Films sa paggawa ng mga short films, socmed stories at ilan pang gamit ang Artificial Intelligence kaya’t malaking hamon sa kanila ang produksyong pagbibidahan ng isang Jean Garcia.
Pagbabahagi ng founder ng RDR na si Reymond “Boss RDR” delos Reyes, bukod sa business solutions, online presence and content at media appearances, nais din nilang palaguin ang AI content via advertisement para sa mga entrepreneur, OFWs at mga business owners na sumasabay sa takbo ng technology sa buong mundo.
Aware din siyang naabuso ang A.I. kaya’t may panawagan din siya sa mga mambabatas na magawan sana ng batas o mga batas na pwedeng mag-regulate dito.
“Doon na talaga kasi tayo papunta. Hindi na iyan maiiwasan kaya’t dapat sabayan ng may tamang mga patakaran. Basta kami, we are always for the content o laman ng istorya at tamang message na nais iparating sa mga consumers or end users,” dagdag nito.
Kaya nga daw involve pa din sila sa mga content gaya ng Kontrabida Talks dahil bahagi pa din ng mga programa ng RDR Productions ang film at online content na may legit and reliable star gaya ng de-kalibreng si Jean Garcia. /Bistado


