Hindi pinalampas ni Jasmine Curtis Smith ang reaksyong “pagtawa” ng mga award-winning broadcast journalists na sina Ed Lingao at Manuel Mogato kaugnay pa rin ng “Bong Suntay-Anne Curtis” issue.
Sa kasagsagan nga ng ingay ng nalikhang iskandalo ng statement ng Kongresista, kinapanayam nila ito sa programa nilang Storycon sa ONE News Channel.
Sa naging daloy ng kanilang interview tungkol sa isyu, may reaksyong “tumawa o pinagtawanan ” ng dalawang anchors ang naging mga sagot ng mambabatas.
Nakarating pala ang ito sa kapatid ni Anne na si Jasmine, na agad ngang dumepensa sa kapatid na nasa abroad pa (as of press time).
Nag-post si Jasmine sa kanyang socmed account kung saan nga niya kinol-out ang dalawa. Sinabi nitong, “BAKIT TUMATAWA UNG MGA LALAKING HOSTS SA PAGTATANONG NILA??????WALA KAYONG INIBA KAY BONG SUNTAY.”
Agad naman itong sinagot ng nakabasang si Lingao at sa pamamagitan ng kanyang FB account, ipinahayag nito ang mga sumusunod, “Wala raw kaming ipinag-kaiba. Napanood kaya niya ang buong interview bago magtweet?
Yung iba namang nagkokomento na takot daw kami at bahag ang buntot kaya kami natatawa — I seriously don’t think we have the same threshold for fear. At yung isa naman diyan na lahat na lang ng bagay ay i-fraframe na, ah kasi lahat kayo ay lalaki at kung may babae man ay token lamang, you unfortunately give feminism a bad name.”
“You make an issue over the fact that we — gahd, two men! — interviewed Suntay thus giving him a platform; perhaps you would have preferred that we not question him and just take potshots from the sidelines like everyone else?
Or since you are so hung up over gender roles, perhaps we should have just waited for a female anchor to be available to do the interview?”
Para sa mga nakapanood ng naturang panayam, ang nasabing “pagtawa” nina Lingao at Mogato ay pagpapakita diumano ng tila “disgusto” nila sa mga sagot ni Suntay.
Sey nga ng ilang netizen, “The hosts are just as frustrated. Laughing, smirking or making faces are natural reactions when you are in an infuriating discussion with a self-righteous dirty old man.”
Depensa naman ng mga supporter ni Jasmine, ” Totoo naman si Jasmine. Nakaka-emotional when it’s your sister who’s being disrespected. Let’s not forget that Anne is in the Gulf States with her family now and that can be stressful for them. Hindi pa rin ako agree na tinawan-tawanan lang ang ganun! Mas dapat nga na ipinakita nila sana na pormal ang mga expression nila to show na nababastusan sila sa mambabatas na iyan!”
Wala namang karagdagan pang reaksyon ang kasamahan ni Lingao na si Mogato na noong 2018 ay naging Pulitzer Prize winning journalist. /Bistado


