Minsan pang pinabulaanan ng award-winning actress na si Janine Gutierrez ang kumalat na balitang diumano’y buntis siya.
“Fake news,” ang naging sagot niya sa pinag-usapang post ng isang netizen saying, “sabi sa balita buntis daw si Ate Janine? Pero ‘di naman siya mukhang buntis dito,” kalakip ang latest photo ng aktres.
Sa comment section ng naturang thread, ipinagtanggol ng marami ang tila pag-gain ng weight ni Janine, taliwas sa mga nakalipas niyang pictorial at photo shoots kung saan napaka-seksi nito.
Ang pinag-usapang litrato na na-i-post ni Janine noong March 9 sa kanyang IG account ay ang pagdalo niya sa kasal ng isang close friend kung saan sa suot niyang ‘blue halter dress’ ay tila “tumaba” nga ito.
Last 2025 ay lumabas nga ang mga sexy poses niya endorsing a liquor brand na talaga namang nag-viral ang kanyang kaseksihan at naging calendar girl pa siya nito.
Simula ng maging girlfriend siya ng magaling na aktor na si Jericho Rosales, hindi na rin nawala ang mga tsismis na ‘nabuntis’ siya nito. Pero ang mga ito’y pawang tsismis lamang lalo’t sa estado ng kanilang relasyon ay tanggap na tanggap ang aktor sa pamilya ni Janine at nangako itong hindi mangyayari ang “buntisan” ng hindi muna nagpapakasal.
Meanwhile, kasalukuyan ngayong abala si Janine sa shooting ng bago niyang series sa Netflix na “Balaraw” kasama si Charlie Dizon. Kapwa ipinagmamalaki ng dalawang Best Actress winners ang role nilang may “sapphic relationship,” (sexual attraction/relationship between women) na naka-encounter ang ilang super natural forces. Isa itong horror-thriller series na mapapanood ngayong September sa Netflix. /Bistado


