Nang dahil sa bouquet of flowers na ibinigay ni Janella Salvador kalakip ang sweet message na naka-post sa IG account nito para sa nauugnay ditong si Klea Pineda, marami ang nag-ku-conclude na “out in the open” na nga ang relasyon ng dalawa.
Sa mga nakalipas na pagkakataon, sinasabi ng dalawang female stars na sobrang close lang sila at nagkakasundo sa maraming mga bagay.
Subalit nang naging madalas na ang kanilang pagsasama, mga sighting sa iba’t-ibang lugar at event lalo’t tila pinaninindigan ni Klea ang kanyang pagbibihis at pag-aktong “lalaki”, nag-conclude ang netizen na something deeper is going on between them.


Sa nakaraang birthday ni Klea last March 19, ay binigyan siya ng bouquet of flowers ni Janella kalakip ang sweet message pa na posted sa IG account na @superjanella, “through every trip and bumpy ride, i’ll always have your back and side (as a passenger princess). You are so full of love, happy birthday.”.
Sa naturang IG account ni Janella ay makikita pang hinahalikan ni Klea ang kamay ni Janella at may mga pictures din silang magkasama abroad, pati na ang tila pag-aalaga ni Klea sa anak ni Janella.
Nagkaroon ng anak si Janella sa dati nitong ka-relasyong si Marcus Patterson na inakala nga ng lahat na kanyang makakasamang manirahan sa Europe noong pandemic time.
Naging major artist ng ABS-CBN si Janella simula ng teen star pa lang ito kung saan nakatambal niya sina Marlo Mortel at Elmo Magalona sa TV at movies.
Ang latest TV show niyang ginawa ay ang What Lies Beneath series sa ABS-CBN kung saan nakasama niya ang mga katropa niyang sina Kaila Estrada, Sue Ramirez at Charlie Dizon, plus their leading men.
Meanwhile nakilala naman si Klea after itong tanghaling “Ultimate Female Survivor” (female winner) sa sixth season (2015) ng StarStruck with Migo Adecer.
Nagkapangalan siya sa mga series na Ika-5 Utos, Magkaagaw (2019–2021) at Gwen Abad in AraBella (2023).
Na-link din siya sa mga aktor na sina Jak Roberto, Jeric Gonzales at Andre Paras, bago pa man siya nag-anunsyo na member siya ng LGBTQ+ community noong 2023, kasabay ng kanyang ika-24th birthday.
Tanggap na tanggap naman ng netizen at ng LGBTQ+ community ang anumang namamagitan sa dalawang personalidad.
“Who are we to judge? For as long as they display proper decorum, respect and love to their community, wala naman sigurong isyu sa ngayon kung pareho man silang babae?,” komento pa ng netizen.


