Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Immigration, nagdagdag ng tauhan sa airport para sa dagsa ng biyahero ngayong Semana Santa

Nagdagdag ng tauhan ang Bureau of Immigration (BI) sa mga paliparan sa bansa bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa.

Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na inaasahan ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero sa mga susunod na araw. “We anticipate a significant increase in passenger traffic this Holy Week,” ani Viado.

Para matiyak ang maayos na daloy sa mga terminal, inilatag ng ahensya ang mas maraming immigration officers sa frontline. “Our officers are fully deployed to ensure smooth and efficient processing,” dagdag niya.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng BI ang publiko na dumating nang mas maaga sa paliparan at ihanda ang lahat ng kinakailangang dokumento bago bumiyahe para maiwasan ang aberya.

Binigyang-diin din ng ahensya na ang mga dayuhang nanatili sa bansa nang mahigit anim na buwan ay kailangang kumuha ng Emigration Clearance Certificate bago umalis ng Pilipinas.

Para naman sa mga menor de edad na bibiyahe nang mag-isa, kailangan ang travel clearance mula sa Department of Social Welfare and Development.

Pinayuhan din ang mga pasahero na agad magtungo sa immigration area pagdating sa airport para hindi maipit sa pila sa gitna ng inaasahang peak travel period. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles