Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Imelda Schweighart, tinanggal bilang kandidata ng MU Phils. 2026

Sa pakikipagpanayam ng BISTADO sa ilang mga executives ng Miss Universe-Philippines organization, kinumpirma nga nilang mayroong kandidata na hindi na makakalahok sa ginagawa nilang patimpalak-kagandahan.

Narito ang kabuuang statement na kanilang inilabas ngayong weekend.

“The Miss Universe Philippines Organization shares an update regarding the participation of one of its official delegates.

“At MUPH, we value individuality and encourage each delegate to express herself authentically.

At the same time, we remain committed to maintaining a positive and respectful environment for all-one that supports fellow delegates, honors our partners, and upholds the integrity of the organization.

Following concerns that were brought to our attention, the organization undertook a careful and thorough review of the matter.

The delegate was given both verbal and written guidance to help address the situation.

Despite these efforts, certain behaviors continued in ways that were not aligned with the standards we aim to uphold.

As such, it has been decided that the delegate will no longer be allowed to continue in the competition.

MUPH believes in fostering an environment that is uplifting, respectful, and empowering to women. We remain dedicated to ensuring that the experience is constructive and meaningful for everyone involved.

We thank the public for their understanding and continued support.”

Hindi man binanggit ang pangalan ng naturang kandidata subalit sa opisyal na listahan ng mga pangalang kanilang inilabas, very obvious ang pagkawala ng name ni Imelda 

Schweighart, representative ng Kalibo, Aklan province.

Kahit ang mga netizen at beauty enthusiasts ay itinuturo si Imelda dahil ito nga ang napabalitang nagkaroon umano ng “rift” sa naturang organisasyon at ilang mga kapwa kandidata niya. 

Ayon pa sa nakalap ng BISTADO, diumano’y tila may petisyong ginawa ang ilang representative sa naturang beauty contest laban kay Imelda na pinaniniwalaang hindi sumusunod  sa tamang protocol ng kontes at may isyu sa kanyang “behavior.’

Sa mga nakalap ding balita tungkol sa beauty queen, minsan na din palang naging kontrobersyal si Imelda nang maging representative ito ng bansa noong 2016 Miss Earth contest.

Sa isang interview dito ay todo-todong pamimintas pala ang ginawa nito sa noo’y nanalong kandidata from Ecuador na si Ms. Katherine Espin.

Sey nito, .“Yung nanalo peke ilong, peke baba, peke boobs! Miss Earth, dapat natural.”

Iyan ang kumalat noong video interview mula kay Imelda na isang Fil-German beauty sa paglalabas niya ng sama ng loob sa naging resulta ng Miss Earth 2016 beauty pageant na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Inihingi naman umano ni Imelda ng paumanhin ang kanyang ginawa, pero nanindigan siyang totoo ang mga sinabi niya.Wala pang inilalabas na statement si Imelda o maging ang kanyang Kalibo, Aklan franchisee ng Miss Universe-Philippines hinggil sa nasabing announcement.

Ngayong May 1, naman magaganap ang finals night ng MIss Universe-Philippines sa MOA. Ang magsasalin ng korona ay si Ahtisa Manalo na naging third runner-up winner sa 2025 Miss Universe.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles