Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

ICC prosecutor: Duterte pasimuno sa ‘death lists,’ planadong patayan sa drug war

THE HAGUE, Netherlands. Si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mismong pasimuno sa umano’y pagbuo ng “death lists” at sistematikong patayan sa ilalim ng war on drugs. 

Ito ang diretsahang inilatag ni International Criminal Court (ICC) prosecutor Robynne Croft sa pagpapatuloy ng pre-trial proceedings laban kay Duterte.

Sa presentasyon sa korte, iginiit ng prosekusyon na may malinaw na istruktura at polisiya sa likod ng kampanya kontradroga. 

Pinaliwanag ng ICC prosecutor na si Duterte ay hindi lamang basta tagamasid kundi may aktibong papel sa paghubog ng mgatarget list ng mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga. 

Binanggit din sa pagdinig ang mga pahayag umano ng dating pangulo na ipinagmalaki ang mga pagpatay bilang bahagi ng kampanya.

Detalyado ding inisa-isa ng prosekusyon ang papel ng dating pangulo sa pagdidirekta ng operasyon, kabilang ang umano’y koordinasyon sa mga opisyal ng pulisya. Iginiit ng kampo ng prosekusyon na hindi hiwa-hiwalay ang mga insidente kundi bahagi ng mas malawak na plano na ipinatupad sa loob ng ilang taon.

Nagbigay rin ng bigat sa pagdinig ang testimonya ng ilang insider witnesses, kabilang ang ilang dating operatiba na naglahad ng detalye kung paano umano isinagawa ang Oplan Tokhang. Anila, bahagi nito ang paglista sa mga target at ang paulit-ulit na “nanlaban” narrative. 

Ayon sa prosekusyon, ang pattern ng mga insidente ay nagpapakita ng sistematikong polisiya.

Magpapatuloy ang ICC sa pagsusuri ng mga ebidensya at testimonya upang matukoy kung may sapat na basehan para ituloy ang kaso sa full trial phase, isang hakbang na tututukan ng mga biktima, depensa, at international observers habang papalapit ang susunod na yugto ng pagdinig. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles