Kung dati-rati ay gusto na lamang ng actor-model na si Ron Angeles na mamatay ng kusa ang sex scandal issue niya. But this time ay mukhang hindi papayag ang kanyang management outfit na walang managot sa matatawag na krimen.
Opisyal ngang naglabas ng statement ang House of Mentorque, ang management unit na namamahala ng showbiz career ni Ron na nagde-deklarang pu-protektahan nila ang kanilang ward sa iskandaloso at mapanirang ‘sex video’ na kinasangkutan ng kanilang artist.
Gaya ng mga iba pang artista na nasangkot sa kaparehong scandal katulad nina Arron Villaflor, Gil Cuerva at Nikko Natividad, nais ng House of Mentorque na papanagutin ang tao o mga taong may kinalaman sa paglabas ng video without the consent of the involved, at ang pagpapakalat nito online at sa iba pang porn sites o platform.
Hinihikayat din ng naturang artist house na magsama-sama sana ang mga nasangkot na personalidad para mas lumakas ang laban nila sa sinumang may kinalaman sa iskandalo.
Maging ang mga taong nakakatanggap ng video at muling nagpapakalat nito ay binabalaan ng House of Mentorque na posible din silang managot sa ilalim ng umiiral na batas sa pornograpiya at digital sharing.
Naniniwala din ang outfit ni Ron na hindi lang isang tao ang may kinalaman dito lalo’t may mga usapin tungkol sa mataas na pagbebenta ng naturang sexual content at ang palihim na pag-video o pag-film ng dapat ay mga pribadong bagay kaugnay ng ‘sex act.’
Sa ngayon ay nanatiling wala pang anumang legal na aksyon na isinampa sa sinasabing “tao” (o mga tao o grupo) na may kagagawan ng krimen dahil patuloy pa daw sa pagkuha ng mga ebidensya ang mga panig na nasangkot.
Samantala, nagsalita na din si Nicco Loco, isang kilalang model-aktor sa VMX (Vivamax) na kaya niyang i-identify ang “babaeng” kanyang nakaniig na posibleng pinagmulan ng lahat. Ang babaeng tinutukoy ay siya ding ‘babae’ na nakasama ng apat na aktor (at may iba pa) sa iba’t-ibang okasyon sa naturang sex video scandal.


