Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Hirit ng airline groups: Bawas bayarin sana sa NAIA sa gitna ng oil crisis

Humihirit ang ilang airline groups ng agarang cost relief sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kasabay ng babala na kung walang mabilis na tulong, tuloy-tuloy ang pagtaas ng pamasahe at lalong tatamaan ang mga pasahero.  

Sa liham noong March 13 na ipinadala kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, humiling ang Board of Airline Representatives, Air Carriers Association of the Philippines, Airline Operators Council, at kanilang mga partner sa ground handling at catering ng agarang regulatory relief, operational assistance, at strategic stabilization habang nagpapatuloy ang Middle East conflict.

Ayon sa mga airline group, ang military conflict sa Middle East ay nagdulot ng ilang kanselasyon, suspensyon, at rerouting ng flights. Idinagdag nila na pabago-bago ang operasyon dahil nakaasa ang mga eroplano sa “safe corridors” na pwedeng magsara anumang oras.  

Isa sa mga pangunahing hiling ng mga airline ay ang pag-waive ng aircraft parking fees para sa mga flight na apektado ng krisis. Iginiit nila na ang ganitong hakbang ay makakatulong para mabawasan ang operational costs habang nagpapatuloy ang hindi tiyak na sitwasyon sa international airspace.  

Bukod dito, humihiling din ang mga airline ng pagbawas sa landing at takeoff fees, pati ang mas flexible na policy sa fuel surcharge para mas makasabay sa mabilis na pagbabago ng presyo ng krudo.

Binigyang-diin ng grupo na ang sitwasyon ay hindi lamang isyu ng negosyo kundi may epekto rin sa mas malawak na sektor tulad ng turismo, cargo transport, at mga pasahero.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga airline sa Department of Transportation at iba pang ahensya para sa mga posibleng hakbang na magpapagaan sa epekto ng krisis sa industriya ng aviation. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles