Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Headline grabber na, sugar daddy pa

Ilang araw nang laman ng mga headline ang napaka-argh at di katanggap-tanggap na byordal ng isang kilalang personalidad na puro BS ang laman.

Si bida? Isang known ferson na sanay sa mikropono at media spotlight. Aba, kinailangan pang ang sang-kaartistahan at isang mayor ang mamilit sa kanyang mag-sorry matapos mabatikos ang kanyang mga binitawang salita aka BS. Hindi pa doon natapos ang eksena dahil nadamay pa ang sariling misis sa pagdepensa sa kanyang sinabi. Pero imbes na tumahimik ang tsismis, lalo lang nagliyab ang bulungan sa likod ng kamera.

E kasi naman, may lingering question: Bakit tila napakawild ng imahinasyon ni koyang magparinig ng malilibog na komento laban sa isang celebrity gurlie? Para sa ilang nakakaalala sa lumang chika, parang nakakalimutan ng bida ang sarili niyang lumang kabanata. Confused ata siya, or difusing past incidents?

Balikan natin ang eksena ilang taon na ang nakaraan. May isang not-so-jugets pero papable na aktor na madalas daw mamataan sa piling ng ating bida. Hindi ito simpleng kape o dinner lang. Ayon sa mga bulong sa showbiz circle, may pa-“malinis na gasolina” na tulong daw noon. May nagsasabing may condo arrangement pa umano na kasama sa package. Kumalat pa nga ang mga larawan ng naturang aktor na nakikitang kasama si bida, to the point na kinailangan pa mag-public statement ng dalawa. Clue: Kakagaling lang sa breakup ni papable nang ma-issue siya kay sugar daddy.

Kaya tuloy ang tanong ng ating mga kabisto: Ang maiingay na patutsada ba ngayon ay totoong wild BS imagination, o astang pamacho lang para matabunan ang sariling sugar daddy rumors?

Kung strategy ito to bury the past, it’s not working dong. Pero kung anuman, this doesn’t absolve his headline-grabbing blabber. Pure BS and conduct unbecoming talaga. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles