Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gov. Vilma Santos, may “ekstrang” pahayag sa Women’s Month

Sa pagdiriwang ng International Women’s Month ng mga ahensyang Film Development Council of the Phils. (FDCP) at ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), muling ipinalabas ang award-winning movie ng Star For All Seasons, Vilma Santos na EKSTRA.

Punumpuno noong nakaraang Linggo ang MET (Metropolitan Theater) ng mga solid Vilmanians, students at mga kawani ng NCCA at FDCP, pati na ang ilang miyembro ng media, kasama na ang BISTADO.

Taong 2013 pa naipalabas ang EKSTRA na nagbigay ng maraming karangalan para sa pelikula (Best Picture), direktor (Jeffrey Jeturian), actress (Vilma Santos) at iba pang sangkot dito sa iba’t-ibang festival mula sa Cinemalaya, hanggang sa 13th Dhaka International Film Festival, at pinarangalan din ng halos lahat ng award-giving bodies sa bansa.

Bistado photo

Ito ang first and only (to date) ‘indie movie” na ginawa ni Ate Vi tungkol sa kalagayan ng mga “extras o bitplayers” sa TV man o movies na ngayon nga’y tinatawag ng “talents.”

Sa talkback session na ginanap after the screening, binanggit nina direk Jeffrey at ate Vi, kasama si Ruby Ruiz, na hindi lang pala ang mga ‘extras’ ang sine-celebrate ng movie dahil malaking paksa at bahagi din sa kuwento ang pagiging isang ina at babae ng bidang ginagampanan ni Vilma Santos.

‘Women empowerment is really an in thing now. Hindi na talaga basta-basta isinasantabi ito sa anumang antas, sa anumang paksa, sa anumang sektor,” sambit ng Batangas Governor na inalala pa na noong 2013 ay isa din siyang halal na Governor ng Batangas nang kanyang gawin ang nasabing indie film.

Thirteen years after, muling nahalal na Gobernadora ng Batangas si Ate Vi.

Kaya’t nang tanungin siya kung may plano within her three year term na makagawa siya ng kahit isang movie gaya ng mga nakaraang panahon, sambit nito, “with the challenges we are facing now, and since I am the mother of Batangas, yun muna siguro ang priority ko. Kailangan magabayan ang pangangailangan nila (constituents). Yun yung ang first priority ko.”

“Yung sinabi ko sana in three years na pinagkatiwalaan ako ng Batangeño—sana payagan ako gumawa kahit isa. Kaya lang at this point in time ang dami nating challenges. Medyo second o third priority na lang muna siguro,” dagdag pa nito.

At dahil celebration nga ng Women’s Month, hindi nakaligtas na itanong sa Star for All Seasons kung ano ang ‘take’ niya sa pinag-usapang “Anne Curtis -Cong. Bong Suntay” issue? Kinikilala kasi si Ate Vi bilang isang icon sa showbiz, boses ng mga kababaihan, bilang isang ina at public servant.

“Definitely I am not happy. We should treat women with respect. Kung dati ay sinasabing sunod-sunuran lang tayo sa mga lalaki,.not anymore. We truly respect our men, but remember marami din kaming kayang gawin. Bigyan din natin ng kaukulang respeto ang kakayahan ng isang babae, dahil hindi lang kami “babae lang,” babae kami. Bago ka magsalita ng hindi maganda, tignan mo muna ang sarili mo. Don’t underestimate us, ” paliwanag nito.

“Huwag naman nating lalahatin ang mga kababaihan–parte iyan ng trabaho nila–hindi sila nagpi-flirt infront of you. Kung parte man iyan ng trabaho, wala kayong karapatan na manghusga. Again, If i may, tingnan ninyo muna ang sarili ninyo,” sagot naman nito sa isyung nagbibilad din ng katawan ang ilang babae kaya diumano pinagnanasaan ito ng mga kalalakihan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles