May isang probinsya sa South ang pinag-uusapan ngayon ng mga kabisto matapos mapansin ang isang bagong “design choice” sa isang government building.
Maganda na sana ang istruktura. Malinis. Maayos. Government standard. Pero ang bumubungad sa mga dumadaan, isang napakalaking signage na may pangalan at branding ng kasalukuyang lider ng lalawigan.
Ayon sa ilang kabisto, hindi raw ito isolated case. Halos saan ka raw tumingin sa probinsyang iyon, nakabalandra ang pangalan at mukha ng nasabing pulitiko. Mula sa mga proyekto, gusali, hanggang sa mga event banners.
Kaya naman may mga napapa-react. Hindi dahil walang nagagawa ang lider. Sa katunayan, kinikilala rin ng ilan na may improvements sa lalawigan. Pero ayon sa mga kritiko, iba na raw kapag halos lahat ng proyekto ay may personal branding.
Mas uminit pa ang usapan nang iugnay ito sa umiiral na “anti-epal” policy ng national government na nagbabawal sa paglalagay ng pangalan at mukha ng mga pulitiko sa mga proyektong pinondohan ng publiko.
Dagdag pa ng ilang kabisto, pati ang isang kilalang taunang festival sa probinsya ay umani rin ng reklamo ngayong taon. May mga nagsabing kulang sa dating ang selebrasyon kumpara sa mga nakaraan. May ilan pang nagsabing sayang ang ginastos nila sa pagpunta.
Pero ang pinakatumatak sa marami, ang visual impact ng malalaking signage sa mga government structures.
May mga nagtanong tuloy: Kailangan ba talagang ipaalam sa bawat sulok kung sino ang nakaupo? Hindi ba sapat na magsalita ang proyekto mismo?
Clue para sa mga gustong manghula: Babaeng lider ng isang kilalang probinsya sa South. Kilala sa media bago pumasok sa pulitika. At ngayon, tila kilala rin sa malalaking pangalan na nakapaskil sa mga proyekto.
Yun na. Bistado!


