Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Globe Rewards, tutok na sa daily needs

Need ng extra budget? O pambili ng burger? Voucher para sa commute? Pwede nang ma-redeem lahat yan sa Globe Rewards.

Binago ng Globe Telecom ang Globe Rewards program para gawing mas praktikal ang paggamit ng reward points ng mga subscriber. Sa bagong sistema, ang mga puntos na nakukuha sa paggamit ng serbisyo ng telco ay diretso nang nagagamit sa mga pang-araw-araw na gastusin.

Ayon kay Peter Ramirez, assistant director at head of loyalty ng Globe, maingat na idinisenyo ang programa para maramdaman agad ng mga subscriber ang benepisyo ng kanilang naipong puntos. “This ensures that every earned point delivers real value,” ani Ramirez. “Whether it’s helping pay a bill, buying a meal, or enjoying extra connectivity, we’ve made it easier than ever for our customers to turn their points into meaningful benefits you can feel every day.”

Isa sa praktikal na redemption option ang GCash bill payment voucher. Sa ilalim ng program, 105 points ang katumbas ng ₱100 credit na puwedeng gamitin para sa bayarin sa kuryente, tubig, o iba pang digital payments.

Meron ding Flash Deals kung saan kahit isang reward point ay puwedeng ipalit sa mga alok tulad ng unlimited calls sa lahat ng network sa loob ng isang araw. Ayon sa Globe, nagbibigay ito ng agarang dagdag na benepisyo para sa mga subscriber.

Tuwing Miyerkules naman, may Wednesday Flash Deals kung saan puwedeng ipalit ang kaunting puntos sa maliliit na benepisyo tulad ng ₱10 Move It ride credit o isang Jollibee Yumburger.

Bukod sa mga araw-araw na benepisyo, may pagkakataon din ang mga miyembro ng Globe Rewards na manalo ng mas malalaking premyo kabilang ang isang BYD electric vehicle, ayon sa kumpanya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles