Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gigi de Lana, muling hinimatay

Maayos na ang lagay ngayon ni OPM singer at Tawag ng Tanghalan alumna na si Gigi de Lana matapos itong mag-collapse pagkatapos ng kanyang performance sa isang event sa Samal, Davao del Norte last weekend (March 7).

Mabilis na kumalat ang mga video ng pagkahimatay ni Gigi na kuha ng mga nakasaksi sa event habang pababa na ito ng stage. Agad din naman siyang nasaklolohan at nadala sa ospital.

Sa pamamagitan ng kanyang management na Tritone Entertainment, kinumpirmang nasa maayos na siyang kalagayan at nagpapahinga.

“After her performance last night in Samal Island City, Davao Del Norte, Gigi experienced extreme fatigue and briefly passed out after her final song. She was given immediate attention and care, and we’re grateful to share that she is now safe, stable, and currently resting,” ang naging pormal na anunsyo ng Tritone.

Noong May 2023, napabalitang hinimatay din si Gigi sa isang show sa Ilocos Norte. Ito rin yung araw na habang papunta sila sa venue kasama ang kanyang banda na “The Gigi Vibes” ay nagkaroon pa sila ng car accident. Nag-sustain man sila ng minor injuries habang papunta sila sa naturang event, natuloy pa rin ang show hanggang sa himatayin nga ang singer-performer.

At nito ngang Linggo, itinuloy pa rin ni Gigi ang natitirang gig sa nasabing lugar sa Samal kahit pa the previous night ay hinimatay na ito.

“Sobrang professional talaga ni Gigi. Nakakabilib. Sa dami ng mga pinagdaanan niya lalo na noong pandemic at noong time na ipinagagamot niya ang nanay niya, hanggang sa sumuko ito sa sakit na cancer, nagpaka-tatag siya. Lagi niyang itinutuloy ang mga commitment niya. Never siyang naging cause of problem despite whatever she is undergoing,” pagbabahagi ng mga kasama ni Gigi.

Ang ilan nga sa mga napabalitang kundisyon na napaglabanan ni Gigi ay ang pagkakaroon niya ng extreme fatigue/collapsing, bulimia (eating disorder) kaya siya nangayayat ng husto, at ang naging laban din niya sa madalas niyang pagkakaroon ng vocal nodules. bukod sa sinasabing “mental anxiety” nito sanhi ng naging isyu sa yumaong ina. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles