Isang pakete ng hinihinalang shabu ang natagpuang palutang-lutang sa karagatan sa bayan ng Patnanungan, Quezon matapos itong makita ng isang mangingisda at i-report sa pulisya.
Nadiskubre ang kahina-hinalang pakete noong April 3 habang nangingisda ang isang residente sa karagatan malapit sa isang isla sa nasabing bayan. Agad niya itong ipinaalam sa mga awtoridad.
Rumesponde ang pulisya at kinumpirma na ang laman ng pakete ay hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu.
Kinumpirma ng pulisya na ang narekober na iligal na droga ay may bigat na 3.28 kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P22.3 milyon.
Ayon kay Philippine National Police chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahalaga ang papel ng komunidad sa pagtulong laban sa iligal na droga.
“The trust and confidence of the people in their police is one of the most efficient tools against criminal elements and illegal activities. We have been witnessing the positive results of this partnership. We have to sustain this effort for the benefit of everybody,” ani Nartatez sa isang pahayag. /Bistado


