Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

EXCLUSIVE: Enrique Gil, kampo nag-react sa “nakabuntis” item

Nagbigay ng reaksyon sa BISTADO ang ilang malalapit na tao kay Enrique Gil tungkol sa napabalitang diumano’y nakabuntis ito?

Ayon sa mga naturang sources, “lumabas iyan una as blind item ng isang kilalang socmed influencer. Obvious ang mga clues na ginamit lalo’t may pa-Pedro Gil station itong ni-refer. Then sa latest vlog ni Ogie (Diaz), may pangalan na talaga at sinabi pang tila iisa ang mine-mention ng blind item sa napag-alaman niya.’

“Not true. We should know dahil lagi naming nakikita, nakakausap at nakakasama si Quen (Enrique). While we know that he lives alone and has his own place, hindi pwedeng hindi siya pinupuntahan ng sinumang kaanak niya, mommy niya o someone na close sa kanya for his needs na hindi na niya magawa like cooking, laundry etc. Wala siyang kasama sa pad niya kaya’t imposible yung may ka-live in siya,” kuwento ng sources ng BISTADO.

“Ang medyo alarming lang sa tsismis ay yung tungkol sa diumano’y pagpapa-abort dahil hindi pa ready si girl. That is very alarming, Dangerous and maliciously put into something. Mali yun. Kawawa naman yung girl sa ginawa nila,” sambit pa ng same sources.

Ang naturang balita ay nag-ugat sa pagkakaroon umano ng ugnayan nina Enrique at isang nangangalang  “Andrea Brown” na non-showbiz gf daw ng guwapong aktor. Ayon pa sa tsika nina Ogie Diaz, Nag-li-live in na daw ang dalawa kahit hindi nga daw pabor ang nanay ng aktor at iba pa nitong kaanak.

Si Andrea Brown ay isang Tiktok personality na nauugnay nga sa aktor. Minsan ng nagsalita ang 17-year old girl na wala siyang anumang romantic involvement kay Enrique na tinatawag pa nga niyang “Kuya Quen.” Dinenay din nito ang mga reports na siya’y nabuntis ni Enrique.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles