Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Eman Pacquiao, ang bagong “Mr. Secret”

Kinagiliwan ng mga kasama sa media ang pakikipag-kulitan ni Eman Pacquiao nang makipag-kwentuhan ito sa imbitasyon ng ini-endorse nitong produktong “Barley, I Am Worldwide.”

Game na game ang 22-anyos na binata ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao sa pagsagot sa mga maintrigang tanong ng mga taga-entertainment at sports media, kasama na ang Bistado.

“I am slowly learning the ropes of the business po. Ako naman po since talagang ginusto ko din ito ay naghanda sa mga ganyang tanungan. Kaya kung mamarapatin po ninyo, yung iba na hindi ko kayang sagutin sa ngayon ay puwede pong “secret” muna?,” ang natatawa pa nitong pakiusap sa mga miyembro ng media.

Nang tanungin siya ng Bistado kung ano ang kinatatakutan niya sa showbiz ngayong tila magiging parte na ito ng kanyang buhay, “siguro po ay yung mag-iba ang ugali ko, lumaki ang ulo, ganun.”

Pero dahil sa madasalin ang batang boksingero bilang isang Christian, “I believe that God is with me and He is going to show and lead me to the right direction and be with the right people.”

Sa ngayon ay regular ang pag-eensayo ni Eman bilang paghahanda sa kanyang mga nakatakdang laban. Kasabay din nito ang paglahok niya sa acting workshop bilang preparasyon din sa pagpasok ng karakter niya sa action series na “Never Say Die.”

Ang naturang series na napapanood sa GMA 7 primetime ay pinagbibidahan nina Jillian Ward at David Licauco, kasama sina Kim Jim Soo at Raheel Bhyria. Kasabay ni Eman na papasok sa series ang PBB star na si Heath Jornales.

“Secret at surprise” pa daw ang karakter na kanyang gagampanan pero tiniyak niyang positibo at mabuting influence ito para sa lahat. 

Meanwhile, malaking ‘secret’ pa rin daw kung ano na ang level ng samahan nila ni Jillian na inamin niya bilang kanyang showbiz crush. “We are good friends po. Magkausap, nagkakasama sa tiktok, nagtatawagan at inaalalayan niya ako sa acting workshop, ” sey nito.

Pangarap daw niyang magkaroon ng sariling bahay para sa kanilang pamilya kaya’t doon niya inilalagay ang mga naiipon niyang kita mula sa mga guesting, boxing, endorsement gaya nitong sa Barley at ngayo’y bilang contract artist ng Sparkle sa GMA 7 o Kapuso network.

Grateful naman siya sa support na ibinibigay ng kanyang pamosong ama, “but of course, I am of age na din po para maging provider naman ako para sa mommy ko at pamilya namin.”

At nang ihirit ng Bistado ang tanong kung pumayag na ba ang either mommy or daddy Manny niya na magkaroon na siya ng girlfriend, muli itong sumagot ng “secret.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles