Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Dubai flights, suspendido matapos ang drone attack

Pansamantalang sinuspinde ang flight operations sa Dubai International Airport (DXB) matapos ang drone incident na tumama sa isang fuel tank malapit sa airfield ngayong March 16. 

Ayon sa ulat ng regional media, agad na ipinatigil ng aviation authorities ang operasyon sa paliparan habang sinusuri ang sitwasyon sa paligid ng airport complex.

Sa isang pahayag sa social media platform X, sinabi ng Dubai Media Office na isang drone incident sa paligid ng Dubai International Airport ang nakaapekto sa isa sa mga fuel tank ng paliparan at nagdulot ng sunog. Kinumpirma rin ng tanggapan sa kasunod na pahayag na naagapan na ang apoy at wala ring naitalang nasugatan sa insidente.

Dahil sa pangyayari, agad na nagpatupad ng security measures ang mga awtoridad sa paligid ng paliparan. Ayon sa pulisya, pansamantalang isinara ang airport road at ang tunnel na nagdurugtong sa mga pangunahing access route papunta sa DXB habang nagpapatuloy ang pagsusuri sa lugar.

Kasunod ng insidente, pansamantalang itinigil ang mga flight papasok at palabas ng Dubai International Airport. 

Batay sa mga ulat, ilang eroplano na papasok sa DXB ang pinahinto muna sa himpapawid habang naghihintay ng clearance. Ang ibang flight na malapit na sa Dubai ay inilihis patungo sa Al Maktoum International Airport. Mayroon ding mga flight na iniruta sa ibang paliparan sa rehiyon habang nananatiling suspendido ang operasyon sa DXB.

Sa kanilang website, naglabas na rin ng anunsyo sa lahat ng pasahero ang Emirates Airlines. Kasama na sa babala na huwag munang magtungo sa Dubai airport.

“All flights to and from Dubai have been suspended until further notice. Please do not go to the airport. Emirates will share updates when available. We would like to thank our customers for their understanding and patience. The safety of our passengers and crew is our highest priority,” saad ng anunsyo ng Emirates.

Ikatlong insidente na ito sa Dubai International Airport mula nang magsimula ang mga pag-atake sa Iran ng Israel at US noong February 28. Noong March 11, dalawang drone ang bumagsak malapit sa paliparan. Sa unang araw ng labanan sa pagitan ng Iran at mga bansa sa Gulf, nagkaroon din ng pinsala sa paliparan matapos ang overnight Iranian attack sa iba pang estado sa rehiyon.

Ang Dubai International Airport ay isa sa pinakaabalang international travel hub sa mundo. As of now, hindi pa tinukoy ng mga awtoridad kung kailan muling bubuksan ang flight operations dito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa drone incident at ang pagsusuri sa seguridad ng paliparan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles