Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DOF: Gobyerno, bumibili na ng dagdag na 2M barrels ng langis

Posibleng dumating na ngayong linggo ang dagdag na dalawang milyong bariles ng langis na binibili ng gobyerno sa global market para madagdagan ng sampung araw ang buffer stock ng bansa, paglalahad ni Finance Secretary Frederick Go.

Ayon kay Go, sinimulan na ng Philippine National Oil Co.– Exploration Corp. ang procurement process para sa nasabing suplay. Sinabi niyang maaaring dumating ang mga ito anumang oras sa loob ng linggong ito habang pumipili ang pamahalaan mula sa mga alok ng iba’t ibang supplier.

“They’re doing a global procurement for the oil. I believe they have a lot of offers on the table, so they’re just selecting which ones to procure,” paglalahad ni Go sa isang event ng Philippine Stock Exchange. Dagdag niya, mas maingat ang pagkuha mula sa iba’t ibang sources.

Ang target na dalawang milyong bariles ay doble ng unang inanunsyo ng pamahalaan noong nakaraang linggo. Sa kasalukuyang konsumo ng bansa na tinatayang nasa 200,000 bariles kada araw, ang nasabing suplay ay magdadagdag ng sampung araw sa reserbang langis at magpapalawig sa buffer stock hanggang sa humigit kumulang 70 araw.

“The primary objective is to create that additional buffer stock,” ani Go. Paliwanag niya, kapag malakihan ang pagbili, inaasahan ang mas mababang presyo dahil sa economies of scale.

Sinabi rin ni Go na pinaplano ng pamahalaan na pabilisin ang disposition ng ilang state assets para makalikom ng pondo para sa procurement. Aniya, nakipagpulong na ang Department of Finance kasama ang Privatization Management Office para talakayin ang mga ari-ariang maaaring ibenta ng gobyerno sa lalong madaling panahon.

Kasabay nito, tinutulak din ng pamahalaan ang panukalang batas na magbibigay sa Pangulo ng kapangyarihan na bawasan ang excise tax sa langis kung lalampas sa $80 kada bariles ang Dubai crude sa loob ng 30 sunod-sunod na araw.

Naaprubahan na ng House of Representatives ang kanilang bersyon ng panukala sa ikatlo at huling pagbasa, habang ginagawa pa ang counterpart measure sa Senado. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles