Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DND nagbabala: Ingat sa fake news kaugnay ng Middle East conflict

Nagbabala ang Department of National Defense (DND) laban sa kumakalat na maling impormasyon online tungkol sa umano’y direktang banta sa Pilipinas mula sa tumitinding tensyon sa Middle East. 

Ayon sa DND, walang basehan ang mga ulat na nagsasabing nasa agarang panganib ang bansa dahil sa sigalot sa rehiyon.

Sa isang pahayag, pinayuhan ng ahensya ang publiko na maging maingat sa pagbabahagi ng impormasyon sa social media. “We enjoin the public to refrain from sharing unverified materials and obtain information only from reliable sources,” saad ng DND.

Iginiit ng departamento na patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon sa Middle East, kabilang ang paglala ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran. Gayunman, nilinaw ng mga opisyal na walang indikasyon ng anumang direktang banta laban sa Pilipinas sa ngayon.

Kasabay nito, tiniyak ng DND na nakahanda ang pamahalaan sakaling lumala ang sitwasyon. Ayon sa ahensya, patuloy ang koordinasyon ng mga kaugnay na tanggapan ng gobyerno para tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles