Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Diesel, pumalo na sa P140/L

Pumalo na sa mahigit P140 kada litro ang presyo ng diesel sa Metro Manila kasunod ng panibagong oil price hike ngayong linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, tumaas ng P15 hanggang P18 kada litro ang diesel, dahilan para umabot sa higit P130 ang presyo ng regular diesel habang ang premium diesel ay umabot sa hanggang P144.20 kada litro sa ilang lugar sa Metro Manila.

Kasabay nito, nagkaroon din ng pagtaas sa presyo ng gasolina at kerosene. Nadagdagan ng P8 hanggang P12 kada litro ang gasolina ngayong linggo. Mas malaki ang itinaas sa kerosene, na tumaas ng P12 hanggang P22 kada litro sa parehong panahon.

Ang pinagsamang pagtaas ng presyo ng diesel, gasolina, at kerosene ay nagpapakita ng patuloy na paggalaw ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado dulot ng Middle East conflict. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles