Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Derrick Monasterio, may reaksyon sa post ng beauty queen?

Nagulat man sa mga naglabasang balita ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio, nais na lang daw nitong manatiling positibo at chill lang. Iyan ang napag-alaman ng Bistado sa ilang mga katrabaho ng aktor sa TV series nitong “Apoy sa Dugo” na mapapanood sa GMA 7.

Naging laman ng socmed news si Derrick matapos na lumabas ang post ni Ms. Sam Aldeano, ang Binibining Maragusan 2026 na isa sa mga kalahok sa ginanap na Binibining Davao de Oro 2026.

Nang maimbitahan ang aktor na mag-serenade ng mga babaeng kalahok sa naturang beauty pageant, tila sumigaw nga si Miss Aldeano nang pagkakaroon ng “uncomfy feeling” sa naging gesture ng singer-aktor sa stage.

Ayon pa sa socmed post na ginawa nito sa wikang Bisaya, nakaramdam umano siya ng “discomfort o uncomfortability” sa ginawang paghawak o paglagay ni Derrick ng kanyang kamay sa kanyang bewang habang kinakantahan siya nito.

Pero bilang yun ay bahagi ng palabas ay minabuti daw niyang maging professional.

Tila nagkaroon lang ng bahid malisya ang lahat nang bitawan na daw ni Derrick ang paghawak sa bewang ng beauty queen para i-serenade din ang ibang girls, pero may pag-senyas daw itong ginawa kay Aldeano habang binibigkas nito ang lyrics ng kanta saying, “wait for me to come home.”

“Not gonna lie, I was uncomfortable at the time, but the show must go on! I have to be professional. I’m okay, guys, thank you for checking in on me,” sey ng post ng beauty queen.

Although walang opisyal na pahayag si Derrick, sapat na raw ang malakas ding suporta at higit na paniniwala sa kanya ng mga katrabaho niya ngayon sa afternoon series na Apoy sa Dugo. Katambal dito ni Derrick ang real-life gf nitong si Elle Villanueva, with Ashley Ortega, Thea Tolentino at marami pang iba. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles