Marami naman ang nakapansin na parang nahulog diumano ang katawan ni papa Derek Ramsay ngayon.
Parang nawala na daw ang pagiging “hunk at sexy papable” appeal nito bukod pa nga sa siya na talaga (kasama nina Ryan Eigenmann at Boom Labrusca) ang maituturing na “singkuwentahin” sa grupo ng mga naglaro sa MVPO.
Sa panayam ng ilang mga kapatid sa media, consistent nga si papa D sa pagbibigay ng magagandang salita tungkol sa pagiging ‘generous sa oras’ ni Ellen Adarna para sa bonding time niya sa anak nila.
Kung may mga nai-tsi-tsika man si Ellen na hindi pabor sa nagbabalik TV na aktor, tila ayaw na lang itong patulan at pahabain ni papa D.
Ang importante, may mga fans pa din na tumitili at pumapalakpak sa kanya to prove na he’s still here to stay.


